Korte Suprema, hinimok na magdesisyon na sa hiling na TRO sa implementasyon ng K to 12

by Radyo La Verdad | February 15, 2016 (Monday) | 2655

SUPREME-COURT
Hinimok ng mga magulang at estudyante mula sa Manila Science High School ang Supreme Court na desisyonan na ang hinihiling nilang Temporary Restraining Order o TRO upang matigil ang implementasyon ng K to 12 program.

Isinampa kanina ng mga petitioner ang kanilang ika apat na mosyon upang hilingin sa korte na aksyonan na ang kanilang petisyon na isinampa noon pang June 23, 2015.

Tatlong beses na nilang hiniling na resolbahin na ang kanilang mosyon na maglabas ng TRO ngunit makalipas ang pitong buwan ay wala pa ring aksyon dito ang mataas na hukuman.

Iginigiit ng mga petitioner na unconstitutional ang K to 12 program dahil hindi umano kinonsulta ang mga magulang at estudyante bago ito pinagtibay at sinimulang ipatupad.

Hiling nilang mapawalang bisa ang naturang programa at mapayagan ang mga grade 10 students na makapag enroll sa kolehiyo at huwag nang kumuha ng karagdagang dalawang taon sa senior high school.

(Roderic Mendoza / UNTV Correspondent)

Tags: , ,