PNP, magdadagdag ng mga tauhan sa ground sa pagsisimula ng campaign period ng local candidates

by Radyo La Verdad | February 15, 2016 (Monday) | 2424

LEA_DAGDAG-SEGURIDAD
Magdadagdag ng tauhan ang Philippine National Police sa pagsisimula ng campaign period ng mga local candidate sa March 25.

Ito ay upang masiguro ang pagkakaroon ng ligtas at mapayapang halalan sa Mayo.

Ayon kay PNP Chief PDG Ricardo Marquez, kukuha muna sila ng tauhan sa mga nagsasagawa ng lambat sibat upang i-augment sa mga lugar na kabilang sa areas of concern.

Kailangan din aniya nilang ayusin ang kanilang contingency planning kasama ang ibang ahensya ng pamahalaan upang matiyak ang pagkakaroon ng secure and fair election.

Gayunman, iniisa-isa nang bisitahin ng heneral ang nabanggit na mga lugar upang malaman ang kahandaan ng mga pulis sa pagpapatupad ng seguridad.

Nauna nang binisita ni Gen. Marquez noong nakaraang linggo ang Cavite, Rizal, Laguna at ang Batangas na isinasailalim ngayon sa assessement dahil sa aniya’y pamamayagpag ng criminal gangs.

(Lea Ylagan / UNTV Correspondent)

Tags: , ,