Mga kandidatong tumatakbo sa matataas na posisyon, hindi na kailangang sumailalim sa drug test ayon kay Senador Franklin Drilon

by Radyo La Verdad | February 15, 2016 (Monday) | 3372

SEN-FRANKLIN-DRILON
Hindi pinaboran ni Senate President Franklin Drilon ang isang hamon ni Poe na sumailalim sa drug test ang mga kandidatong tumatakbo sa pagkapangulo at pagkapangalawang pangulo.

Ito’y kahit na pabor ang senador sa isa pang panawagan ni Poe na ilabas ang kanilang medical record.

Ayon kay Drilon, hindi na kailangan sumailalim sa drug test ang mga kandidato, dahil imposible aniya para sa isang taong tumatakbo sa pinakamataas na posisyon sa bansa na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.

Gayun pa man ayon sa senador,ito ay nasa desisyon pa rin ng isang kandidato kung ibig nitong sumailalim sa drug test.

Sinabi ni Drilon na ang mas higit na kailangang gawin ng isang kandidato ay ipakita ang medical records nito.

Ayon sa senador, dahil ang isang pangulo ay maninilbihan ng anim na taon,dapat matiyak ng taumbayan na malusog at may kakayanang magsilbi sa bansa ang pangulong maluluklok.

(Meryll Lopez / UNTV Radio Reporter)

Tags: , ,