17 regions sa bansa, lumago ang ekonomiya noong 2018 – NEDA

by Radyo La Verdad | May 31, 2019 (Friday) | 19439

Manila, Philippines – Lumago ang ekonomiya ng 17 rehiyon sa bansa noong 2018 ayon sa ulat ng National Economic Development Authority  (NEDA).

Ang Bicol region ang nakapagtala ng pinakamataas na growth rate na may 8.9%, sinundan ito ng Davao at ng Mimaropa na nasa 8.6%.

Ang mga rehiyon naman na may pinakamababang growth rates ay ang mga lugar na may pinakamabilis ding paglaki ng populasyon tulad ng CARAGA, Cagayan Valley at National Capital Region.

“Poor regions must catch up fast. As widening disparities may be more a result of high rate of population growth in some regions than poor economic performance per se, stakeholders especially Local Government Units must also support the government’s family planning and reproductive health program” ani Neda Undersecretary  Adoracion Navarro.

(Rosalie Coz | Untv News)

Tags: , , , ,