Kinukundena naman ng AFP at NDRRMC ang nangyaring pananambang ng rebeldeng New People’s Army sa mga sundalo at DSWD personnel na nagsagawa ng relief operations sa Eastern Samar.
Tinambangan ng nasa limang rebelde kaninang ala-7:20 ng umaga sa boundary ng Brgy. Madalunot at Pahug, sa bayan ng Pinabacdao, Samar ang convoy ng tatlong military trucks.
Dalawang sundalo ng Philippine Army ang nasugatan sa insidente samantalang ligtas naman ang mga taga-DSWD.
Sinasabing pabalik na ang tropa ng militar at DSWD personnel sa Tacloban city galing sa pamamahagi ng relief goods para sa mga biktima ng bagyong nona nang paputukan ng mga rebelde.
(Rosali Coz / UNTV Correspondent)
Tags: AFP, DSWD, NPA ambush, Philippine Army sa Samar, relief operations