17 minero na trap sa pagguho ng Gypsum Mine sa China

by Radyo La Verdad | December 28, 2015 (Monday) | 1373
Gypsum Mine sa China(REUTERS)
Gypsum Mine sa China(REUTERS)

Labing pitong minero na na -trap sa nag-collapse na gypsum mine sa Shandong Province, China ang pinagsisikapan ng mga rescuers na marating.

Kahapon nagsimula ng gumawa ng butas ang mga rescuers upang makapagpadala ng pagkain, tubig at gamit pang komunikasyon sa mga na trap na minero.

Ang mahinang structure at bumabagsak na mga bato ang nagiging dahilan kaya nahihirapan ang may 700 rescuers na mailigtas ang nga nakulong na mga minero.

Ayon sa mga rescuers tatlo sa mga minero ang nakulong sa quarry work area habang ang labing apat naman ay natrap malapit sa life hole.

Aabot sa dalawamput siyam na minero ang nagtatrabaho sa minahan ng mangyari ang insidente.

Labing isa na ang nailigtas ng mga rescuers.

Patuloy rin na iniimbestigahan ang sanhi ng pagguho ng minahan.

Tags: , , , ,