Iginigiit ng mga miyembro ng Morong 43 na sampahan pa rin ng kasong torture at robbery si dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo at ilang dating opisyal ng Armed Forces of the Philippines.
Ito ay matapos i-dismiss ng Ombudsman ang mga reklamo sa dating pangulo dahil wala umanong probable cause o sapat na basehan ang mga ito.
Ang tinaguriang Morong 43 ay binubuo ng apat naput tatlong health workers na umano’y dinakip sa naging joint operation ng PNP at AFP sa Morong, Rizal taong 2010, at kinulong sa loob ng sampung buwan sa pagaakalang sila ay mga miyembro ng New People’s Army.
Nanawagan ang mga ito na sana’y malinawagan ang Ombudsman sa naging paghihirap ng mga katulad nilang dinukot at kinulong.
(Joyce Balancio / UNTV Correspondent)
Tags: dating Pres. Gloria Arroyo, Morong 43, Ombudsman, torture at robbery cases