Isa sa mga lider ng BIFF, arestado sa Cotabato

by Radyo La Verdad | February 10, 2016 (Wednesday) | 1063

ROSALIE_AFP
Arestado ng sanib-pwersa ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines ang pang-apat na lider ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF.

Isang law enforcement operation ang kinasa ng PNP-Criminal Investigation And Detection Group ARMM, Regional Intelligence Division Police Regional Office ARMM at 6th Infantry Division ng Philippine Army upang arestuhin si Hassan Indal sa Barangay Kalanganan, Cotabato City.

Si Indal ang BIFF Vice Chairman for Internal Affairs, commander ng 4th division at wanted ng mga otoridad dahil sa iba’t ibang kaguluhan at kriminalidad sa Central Mindanao.

Pinaniwalaang nagtago si Indal sa Cotabato City dahil sa nagpapatuloy na sagupaan ng militar at BIFF sa Datu Salibo, Maguindanao.

Nakarecover ng mga armas at pampasabog kay Indal.

Nasawi ang anak nitong si Ali Indal na isa sa mga escort ng BIFF leader matapos na manlaban sa mga umarestong pulis at militar.

(Rosalie Coz / UNTV Correspondent)