Nangako ang United Nations Security Council na gagawan ng karampatang aksyon ang paglabag ng North Korea sa UN resolutions matapos na maglunsad ito ng long range rocket na lulan ang isang satellite.
Ginawa ng North Korea ang rocket launch ilang linggo matapos ang nuclear bomb test nito na kin0ndena rin ng international community.
Una nang nag-abiso ang North Korea sa United Nations sa plano nitong maglunsad ng rocket na may lulang earth observation satellite.
Ipinag-utos ni Democratic People’s Republic of Korea Leader Kim Jong Un ang paglulunsad ng Kwang-Myong-Song-4 satellite mula sa So-Hey Space Center kahapon ng umaga.
Kasama naman ang pilipinas sa mga tumuligsa sa ginawang ito ng North Korea.
Ayon sa spokesperson ng Department of National Defense na si Dr. Peter Paul Galvez, dapat umiwas na ang anumang bansa sa mga gawain na lalo lamang makapagpapalala ng sitwasyon pang-seguridad sa rehiyon.
(Rosalie Coz / UNTV Correspondent)