Opisyal nang binuksan ang Palarong Bicol 2016 na sa Metro Naga Sports Complex dito sa Naga City.
Nasa limang libong manlalaro mula sa labing tatlong dibisyon ng rehiyon ang kalahok sa palaro na tatagal ng isang linggo.
Ang tatanghaling kampeon dito ang magiging kinatawan ng Bicol Region sa Palarong Pambansa na gaganapin sa Legazpi City, Albay sa darating na Abril.
“Kinakailangan nating paghusayan husto yung pagpili ng mga magagaling na atleta para isali natin at maging maganda yung resulta natin yung pagsali natin sa palarong pambansa.” Ani ni Ramon Fiel G. Abcede, Regional Director, DEPED V.
Samantala, kabilang naman ang UNTV News and Rescue Team sa mga standby rescue group na aasiste sa mga delegado ng palaro.
Tags: Naga city, Palarong Bicol 2016