Job orders sa ilang bansa sa Middle East, bumaba ayon sa DOLE

by Radyo La Verdad | February 8, 2016 (Monday) | 2264

JOAN_JOB-ORDERS
Batay sa latest report ng Department of Labor and Employment lumabas na may ilang bansa sa Middle East ang bahagyang bumaba ang bilang ng mga iniaalok na trabaho o job order.

Ilan sa mga ito ang Al-Khobar Region sa Kingdom of Saudi Arabia, Abu Dhabi, at Dubai sa United Arab Emirates.

Sa mga nabanggit na lugar ang Abu Dhabi ang may pinakamalaking porsiyento ng pagbaba ng job orders na umabot sa 82 percent.

Mula sa 85 job orders noong first week ng January 2016, bumaba ito sa labing anim na trabaho pagsapit ng huling linggo ng buwan.

Sa ulat ng Philippine Overseas Labor Offices o POLO, lumalabas na bumaba ang demand ng manpower ng mga oil at gas company sa nasabing lugar dahil sa terminated contracts, non-renewable projects at ilang proyekto rin ang naka-hold sa ngayon ng ilang contractor.

Habang nasa 18.78 percent naman ang ibinaba ng job offer sa dubai noong nakaraaang buwan.

Ngunit di tulad sa Abu Dhabi, naitala ang pagbaba ng iniaalok na trabaho sa dubai sa larangan ng hospital services, facilities management,retail sales at hindi sa oil sector.

Samantala, mula naman sa mahigit two thousand six hundred job openings sa Al-Khobar Region sa KSA noong December 2015, bumaba ito sa 2, 346 pagpasok ng January 2016.

Subalit ayon sa POLO, ang decline sa job order ay bunsod ng Saudization o ang pagbibigay prayoridad sa mga Saudi National na mabigyan ng trabaho sa halip na mga overseas worker.

Sa kabila ng isyu, una ng nilinaw ng DOLE na sa ngayon ay wala pa namang namomonitor ang ahensya na anumang ulat hinggil sa krisis ng mga Pilipinong nawawalan ng trabaho sa Middle East.

Bagaman, wala pang namomonitor na massive retrenchment sa mga OFW, nangako naman ang DOLE, na magsasagawa ng weekly monitoring hinggil sa sitwasyon doon.

Tiniyak rin ng departamento, na sakaling mang mawalan ng trabaho ang mga kababayan natin sa Middle East, inihahanda na ngayon ng pamahalaan ang libo-libong job opportunities na maaring nilang pasukan dito sa Pilipinas.

(Joan Nano / UNTV Correspondent)

Tags: , ,