Campaign period para sa mga tatakbo sa pambansang posisyon sa halalan sa Mayo, simula na ngayong linggo

by Radyo La Verdad | February 8, 2016 (Monday) | 2956
FILE PHOTO
FILE PHOTO

Opisyal ng magsisimula bukas ang campaign period para sa mga tatakbo sa pambansang posisyon sa halalan sa Mayo.

Kaya naman asahan na ang iba’t ibang aktibidad na isasagawa ng mga kandidato para sa kanilang pangangampanya kagaya ng mga kick off rally at pagkakabit ng mga poster at streamer.

Kasabay naman ng pagsisimula ng campaign period ay sisimulan na rin ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA at Department of Public Works and Highways o DPWH ang “operation baklas” o ang pag-aalis sa mga campaign paraphernalia na nasa labas ng common poster areas

Ayon sa MMDA, una nilang babaklasin ang mga poster na nakakabit sa mga puno, poste, traffic lights at waiting shed.

Apela ng COMELEC sa mga kandidato at partido tanggalin na ngayon pa lamang ang mga poster na nasa mga ipinagbabawal na lugar at huwag nang hintayin pa na ang MMDA at DPWH ang mag-alis sa mga ito upang hindi masampahan ng reklamo

Samantala hinihikayat naman ng COMELEC ang publiko na kunan ng litrato ang mga makikitang campaign materials na nasa mga ipinagbabawal na lugar at i-report ito sa kanilang social media accounts upang ma-imbestigahan.

(UNTV News)

Tags: ,