Pilipinas, kinondena ang paglulunsad ng long range missile ng North Korea

by Radyo La Verdad | February 7, 2016 (Sunday) | 1258

NORTH-KOREA
Kabilang ang pamahalaan ng Pilipinas sa mga kumukondena ng paglulunsad ng long range missile ng North Korea.

Ayon sa South Korean Defense Ministry, nag-take off ang rocket ng North Korea kaninang alas 9:00 ng umaga.

Sa statement na inilabas sa pamamagitan ng Department of Foreign Affairs o DFA, sinabi ng Philippine government na labag sa United Nations Security Council resolutions ang hakbang na ginawa ng North Korea.

Ayon sa pamahalaan, kasama ang Pilipinas sa mga nananawagan sa Pyongyang na abandonahin na ang nuclear at ballistic missile technology programs nito.

Tiniyak naman ng gobyerno na handa ang Pilipinas na makipagtulungan sa international partners upang masiguro ang peace and stability sa rehiyon at sa iba pang panig ng mundo.

(UNTV Radio)

Tags: ,