Isa ang Barangay Hitoma sa Caramoran, Cantanduanes sa madalas na bahain sa tuwing may bagyo o malakas ang ulan.
Kaya ito ang napiling benepisyaryo ng charity works ng dalawampung Taiwanese high school at college students na miyembro ng Waker Foundation.
Isa sa mga proyekto ng mga ito ay ang paglalagay ng dike.
Ayon sa foundation ang pondo na kanilang ginagamit sa konstruksyon ng dike ay mula sa ambag ng kanilang mga miyembro para gamitin sa mga ganitong uri ng proyekto.
Maliban sa pagtatayo ng dike target din nila na makapagbigay tulong para sa edukasyon ng mga bata sa lugar na kanilang pinupuntahan
Laking pasasalamat naman ng mga opisyal ng Barangay Hitoma dahil kabilang sila sa nabiyayaan ng ganitong mga proyekto
Matapos gawin ang itinatayong dike ay babalik na sa taiwan ang mga batang volunteers.
(Allan Manansala / UNTV Correspondent)
Tags: Caramoan, Catanduanes, dike, Taiwanese volunteers