Isang lugar sa Maynila ang sinalakay ng mga terorista at walang habas na namaril ng mga sibilyan.
Ilang minuto lang ang lumipas, dumating na ang mga first responder na mula Police Station 6 o ang ineutralize ang sitwasyon.
Hindi nagtagal, napatay din ng mga pulis ang mga terrorista.
Sumunod namang dumating sa lugar ang mga medic at ambulansya upang iretrieve ang mga bangkay at bigyan ng first aid ang mga sugatan
Lahat ng ito ay bahagi ng simultaneous exercise ng Manila Police District Police Station 6 kasama ang iba pang police stations ng maynila at ibang ahensya ng lokal na pamahalan.
Layunin ng naturang pagsasanay na malaman kung gaano kahanda ang mga tauhan ng MPD sakaling magkaroon ng terror attack sa lungsod.
Base sa initial na assessment, matinding trapik at ang pag-uusyoso ng mga bystander ang ilan sa nakikitang hadlang sa mabilis na pagresponde ng mga pulis at rescue teams.
Bunsod nito, pagtutunan nila sa susunod na drill ang mas maayos na crowd control.
Gayunman binigyang diin din ni MPD Police Station 6 Commander P/Supt. Roberto Domingo na wala namang banta ng terrorismo sa ngayon sa Maynila, ngunit minabuti na rin nila na maghanda at mag-ingat.
Ito na ang ikalimang simultaneous execise na isinagawa ng mga pulis sa Maynila at nakatakda pa silang magsagawa ng kahalintulad na pagsasanay sa iba pang matataong lugar sa lungsod.
(Darlene Basingan/UNTV News)
Tags: MPD Police Station 6 Commander P/Supt. Roberto Domingo, Simultaneous exercise