Warehouse na pinaglalagakan ng mga makinang gagamitin sa halalan, bukas upang makita ng mga interesadong grupo – COMELEC

by Radyo La Verdad | February 5, 2016 (Friday) | 2750

COMELEC
Sa nirentahang warehouse ng COMELEC sa Sta. Rosa, Laguna dinadala ang mga Vote Counting Machine na idinideliver sa pilipinasmula sa pagawaan ng Smartmatic sa Taiwan.

Sa ngayon nasa 90,000 vote counting machines na ang nasa bansa at ang huling batch na walong libo pa ay parating na

May 5 building sa loob ng compound at ang building 1 ang nagsisilbing main production area habang ang ibang gusali ay ginagamit na storage ng mga makina at ballot boxes.

Sa building 1 ang siyang nagsisilbing main production area kung saan dito dumadaan sa hardware and acceptance test ng mga Vote Counting Machines.

Kailangan muna kasing masuri kung gumagana ng maayos ang mga makina bago tanggapin ng Commission on Elections. Kung may makikitang depekto ay ika-quarantine muna ang mga makina at titingnan ito ng mga technicians ng Smartmatic.

Sa ngayon nasa 250 machines pa lang ang naka quarantine.

Pagkatapos ng hardware and acceptance test ay idadaan naman sa accuracy test ang mga makina.

Pagkatapos ay isasagawa ang configuration o ang pagpapasok sa makina ng mga datos na kailangan sa eleksyon gaya ng bilang ng botante sa mga presinto at ang mga pagpipiliang kandidato.

Pagkatapos ay muling susubukan kung gagana ng tama ang mga vcm bago muling ilagay sa kahon para ipadala na sa ibat ibang lugar sa bansa.

Inaasahang masisimulan ang delivery ng VCMS sa Marso.

Nasa isang libong manggagawa ang nagtatrabaho sa warehouse upang maihanda ang mga makina.

Mahigit ang seguridad na ipinatutupad sa lugar at may mga nakakalat din na cctv sa paligid.

Maari namang bumisita at makita ng ibang interesadong grupo ang warehouse ngunit kailangan nilang magpaalam sa COMELEC at hanggang sa viewing deck na lamang sila papayagan.

(Victor Cosare/UNTV News)

Tags: ,