Senado ipinagmalaki ang mga naipasang panukalang batas sa 16th Congress sa ilalim ng Aquino Government

by Radyo La Verdad | February 4, 2016 (Thursday) | 5107

MERYLL_DRILON
Sa kabila naman ng hindi naipasa ang ilang priority bills ng Pangulong Aquino, ipinagmalaki naman ni Senate President Franklin Drilon ang 116 na mga bagong batas ng 16th Congress.

Aabot naman sa 284 na panukalang batas ang naipasa sa third and final reading ng Senado.

Karamihan sa mga ito’y para sa economic reform, workers welfare, improving services at political reform.

Ayon kay Drilon bigo mang makalusot ang proposed Bangsamoro Basic Law ngunit hindi dapat matigil ang usaping pangkapayapaan.

Pabor naman ang Senate President na magkaroon ng executive order ang Pangulo para sa salary increase sa government employees.

Sinabi pa ni Drilon hindi man maituturing na nakapasa ang lahat ng priority bills ngunit maituturing na nagsikap ang Senado na di maapektuhan ng political season ang kanilang trabaho.

Tags: , , ,