Kamara, bigong ma-override ang veto ni Pangulong Aquino sa SSS pension increase

by Radyo La Verdad | February 4, 2016 (Thursday) | 909

GRACE_COLMINARES
Mag-aalas otso gabi nang sinubukang isulong ni Bayan Muna Party List Rep.Neri Colmenares ang pag-override sa veto ni Pangulong Aquino sa SSS pension increase.

Subalit biglang inadjourn ng majority leader ang session.

Pilit pang isinusulong ng kongresista ang kanyang mosyon subalit pinatay na ang kanyang mikropono mapatapos i-adjourn ang sesyon.

Dito na nagsimula ang komosyon sa loob ng plenaryo, hindi na napigilan ng mga senior citizen na maging emosyonal dahil sa naging asal ng mga kongresista.

Anim na oras naghintay ang mga matatanda para hilingin ang kanilang dagdag pensyion subalit tila binalewala sila ng mga mambabatas.

Nanlumo ang mga SSS pensioner sa kinalabasan ng huling araw ng sesyon.

Subalit umaasa sila na magbabago pa ang isip ng mga kongresista.

Ayon kay Abakada Party List Rep.Jonathan Dela Cruz, hindi sinunod ang rules ng Kongreso para lang maiwasan ang pag-override.

Sa kabila ng nangyari hindi parin susuko ang may akda ng panukalang batas.

Susubukan nitong humiling ng special session sa liderato ng Kamara o ipipilit na isulong muli ang overide sa pagbabalik ng sesyon sa buwan ng Mayo.

(Grace Casin / UNTV Correspondent)