Ipinatawag ng Office of the Special Prosecutor ng Ombudsman, ang kinatawan ng Philippine Savings o P-S bank upang magbigay ng testimonya ukol sa milyon-milyong deposito na nakita sa bank accounts ni dating Chief Justice Renato Corona.
Ito ay matapos magsumite ang bangko ng statements tungkol sa mga account ni Corona na bahagi ng forfeiture case nito sa Sandiganbayan.
Ayon sa bank statement, mayroong magkahiwalay na 12-million at 10 million deposits si Corona sa kaniyang peso accounts, at isang 768 thousand deposit naman sa dollar account.
Ang lahat ng ito ay winithdraw ni Corona noong 2011, kung kailan dinidinig ang kaniyang impeachment case sa Kongreso.
Una nang nasampahan ng tax evasion, perjury at forfeiture case si Corona dahil sa umano’y kakulangan sa halaga ng ari-arian at yaman na inilagay sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Networth o SALN.
(Joyce Balancio / UNTV Correspondent)
Tags: Cj Corona, mga PS bank account, Ombudsman