Magsasagawa ng dalawang linggong cloudseeding operation ang pagasa sa Zamboanga City bilang tugon sa lumalalang epekto ng El Niño Phenomenon.
Sa sektor ng agrikultura, umabot na sa mahigit pitungdaang ektarya ng lupang sakahan ang apektado ng tagtuyot.
Lumala rin ang problema sa supply ng tubig sa lungsod.
“The level is really very low now. So, if the dry spell will still continue we will expect the level to still continue to decrease.” Pahayag ni Engr.Teotimo Reyes Jr.
Umaasa ang lokal na pamahalaan na magiging matagumpay ang isasagawang cloud seeding.
(Dante Amento / UNTV Correspondent)