Kabilang ang lalawigan ng Bataan sa lubos na naa-apektuhan kapag may tumatamang bagyo dahil sa pagbaha ng maraming lugar dito.
Karamihan sa mga barangay ay nasa mga low lying areas at tabi ng karagatan.
Kabilang na rito ang Barangay Sibacan sa syudad ng Balanga, kung saan lagpas tao ang tubig baha kapag malakas at tuloy-tuloy ang pag-ulan.
Laging nagsasagawa rito ng pre-empitve at forced evacuation ang City Disaster Risk Reduction and Management Office.
Ayon sa CDRRMO, malaking tulong sa kanila ang kooperasyon ng publiko sa oras ng kalamidad.
Kaya naman nagsasagawa ng community evacuation drill ang lokal na pamahalaan ng bataan upang magkaroon ng dagdag kaalaman ang mga residente rito.
Kabilang sa mga itinuturo ay kung papaano ang tamang paraan sa pagsagip ng kanilang kapwa.
Sa isinagawang community evacuation drill, malaki ang maitutulong ng mga residente sa lokal na pamahalaan.
(Joshua Antonio / UNTV Correspondent)
Tags: Bataan, Community evacuation drill, madaling bahain, mga barangay
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com