Lalaking sugatan dahil sa motorcycle accident, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team sa Quezon City

by Radyo La Verdad | February 3, 2016 (Wednesday) | 1993

12647105_719876841446462_4736730652904586998_n
Nakaupo pa sa gilid ng kalsada nang datnan ng UNTV News and Rescue Team ang isang lalaking sugatan matapos matumba ang kanyang sinasakyang motorsiklo sa IBP Road Barangay Batasan Hills sa Quezon City pasado alas dose ng madaling araw.

Kinilala ang biktima na si Joel Tacbobo, 34-anyos na naninirahan sa San Mateo Rizal, isang security guard.

Iniinda nito ang tinamong sugat sa kamay at kaliwang tuhod na agad nilapatan ng pang unang lunas ng UNTV News and Rescue Team.

Idinadaing din nito ang pananakit ng kanyang baywang kayat isinugod siya sa East Avenue Medical Center.

Ayon sa salaysay ng truck driver na si Benny Sagun binabagtas nito ang IBP Road nang makasabay umano nito ang mga nakamotorsiklo, nang malapit na sa center island ay nag-alangan ito at iniwasan ang mga naka motor kaya babangga ang truck sa center island.

Tinamaan naman ang motorcycle ng piraso ng semento na mula sa nabanggang center island kaya natumba ito mula sa motosiklo niya.

Handa namang panagutan ng driver ng truck ang mga gastusin sa pagpapagamot sa biktima.

(Reynante Ponte / UNTV Radio Reporter)

Tags: , , ,