Dating Manila Mayor Alfredo Lim, inireklamo ng graft, gross misconduct at gross neglect of duty sa Office of the Ombudsman

by Radyo La Verdad | February 2, 2016 (Tuesday) | 6039

JOYCE_LIM
Sinampahan ng reklamong graft, gross misconduct at gross neglect of duty si dating Mayor Alfredo Lim dahil sa umano’y hindi pagbabayad ng buwis noong alkalde pa ito ng Maynila.

Ayon sa private complainant , at taxpayer na taga Maynila na si Reynante Sacaguing, hindi binayaran ni lim ang sinisingil ng Bureau of Internal Revenue o BIR na dapat bayarang buwis ng lungsod.

Sinabi ni Sacaging na matapos na maaksidente siya sa motorsiklo noong 2012 ay nag-research siya sa inilalaang pondo ng lokal na pamahalaan para sa road repair at maintenance.

Doon niya natuklasan na umabot na pala sa 572 million pesos ang utang ng Maynila sa BIR para sa taong 2007.

Ayon din kay Sacaguing, dapat ay makasuhan din ng graft si Lim dahil sa pang-iimpluwensya sa opisyal ng Maynila na hindi aksyunan ang notice of assessment mula sa BIR.

Kasama rin sa inireklamo ang dating City Treasurer Marisa De Guzman at dating City Accountant Maria Lourdes Manlulu.

Ayon naman kay Lim, maaaring pamumulitika lamang ito laban sa kanya.

Sa ngayon ay pagaaralan pa ng Office of the Ombudsman kung may sapat na basehan ang reklamo bago magsampa ng kaso sa Sandiganbayan.

(Joyce Balancio / UNTV Correspondent)

Tags: , , , ,

Cebu Rep. Gwen Garcia, ipinadi-dismiss ng Ombudsman dahil sa kasong graft

by Radyo La Verdad | February 13, 2018 (Tuesday) | 8857

Ipinag-utos na ng Office of the Ombudsman kay House Speaker Pantaleon Alvarez ang pagdismiss kay Cebu Representative Gwen Garcia bilang miyembro ng Kamara dahil sa kasong graft.

Ang kaso ay kaugnay sa umano’y kontrobersyal na pagbili nito noong 2008 ng 98.9-million pesos Balili property sa Tinaan, Naga Cebu noong siya pa ang gobernador ng lalawigan.

Base sa imbestigasyong ginawa ng Ombudsman, hindi dumaan at inaprubahan ng Sanguniang Panlalawigan ang kontratang pinasok ni Garcia.

Batay sa desisyon ng Ombudsman, nilabag nito ang Administrative Code of 1987 and the Government Auditing Code of the Philippines na nanangailan ng certification of appropriation and fund availability bago pumasok sa isang kontrata.

Kuwestiyonable naman kay Garcia ang timing ng paglalabas ng desisyon. Gayunman, tuloy pa rin aniya ang kanyang trabaho at ipinauubaya na nito sa liderato ng Kamara ang pagdedesisyon.

Ngunit ayon kay House Speaker Pantaleon Alvarez, hindi niya ipapatupad an naturang kautusan ng Ombudsman.

Ayon naman kay House Majority  Leader Rodolfo Fariñas,  para maiwasan na ang mga ganitong pangyayari, ipinasa na nila sa Kamara noong isang taon ang panukalang batas na nag-aamyenda sa Republic Act 3019 o ang Anti Graft and Corrupt Practices Act.

Nakasaad dito na hindi na maaaring suspindihin o alisin sa kasalukuyang posisyon ang isang sinomang opisyal ng pamahalaan na may graft case kung ito ay nangyari sa dati niyang posisyon o katungkulan sa pamahalaan.

 

( Grace Casin / UNTV Correspondent )

Tags: , ,

Anomalya sa nakalusot na P6.4B halaga ng shabu, iimbestigahan ng Office of the Ombudsman

by Radyo La Verdad | November 8, 2017 (Wednesday) | 15445

Bumuo na ng panel ang Office of the Ombudsman upang imbestigahan ang umano’y anomalya sa nakalusot na P6.4B na halaga ng methamphetamine hydrochloride o shabu sa greenlane ng Bureau of Customs.

Ayon sa statement na inilabas ng Office of the Ombudsman sa kanilang website, binanggit nito na ang alegasyon ay base sa tinukoy ng customs broker na si Mark Ruben Taguba II na may mga sangkot na opisyal ng gobyerno.

Ang kautusang ito ng Ombudsman ay base sa sinabi ng Pangulo ng magkaroong

Tags: , ,

Dating Local Water Utilities Administration Chairman Prospero Pichay at 3 iba pa, kakasuhan sa Sandiganbayan

by Radyo La Verdad | April 26, 2016 (Tuesday) | 5359

PROSPERO-PICHAY
Nakahanap na ng probable cause ang Office of the Ombudsman upang kasuhan sa Sandiganbayan ang dating Chairman ng Local Water Utilities Administration na si Prospero Pichay.

Sa resolusyon ng Anti Graft Agency, sinabi nitong may matibay na basehan na nilabag ni Pichay sa Anti Graft and Corrupt Practices Act at code of conduct and ethical standards for public officers and employees.

Kaugnay ito ng 1.5 million pesos na ibinigay na sponsorship ng LWUA sa National Chess Federation of the Philippines o NCFP kung saan presidente si Pichay.

Bukod kay Pichay, tatlong dating opsiyal ng LWUA ang kakasuhan din ng graft sa Sandiganbayan dahil sa kanilang partisipasyon dito.

Ayon sa Ombudsman, pinaboran at binigyan ng malaking pondo ng mga opisyal ang NCFP kahit pa hindi prayoridad ng LWUA ang pagbibigay ng sponsorship sa mga sporting event.

Ito ay sa kabila ng memo na inilabas ni dating LWUA Adminstrator Daniel Landingin na nagpapasuspindi sa kahit anong uri ng sponsorship o suporta sa sports at cultural activities .

Bibigyan muna ng Ombudsman ng pagkakataon sina Pichay at iba pa na maghain ng kanilang motion for reconsideration bago isampa ang kaso sa Sandiganbayan.

(Joyce Balancio/UNTV NEWS)

Tags: ,

More News