Nasira ang ilang bahagi ng Arnedo Dike sa Bayan ng San Luis, Arayat, San Simon at Apalit matapos ang mga nakaraang pagtama ng bagyo sa lalawigan.
Nasira ang slope protection nito dahil sa pag-apaw ng Pampanga River.
Ayon naman sa Department of Public Works and Highways, masyado ng matagal ang pagkakagawa sa Arnedo Dike kaya patuloy ang pagkasira ng slope protection nito.
Halagang 20 bilyong piso ang kakailanganin ng Arnedo Dike na ngayon ay kilala bilang Pampanga River bank para sa kabuoang konstruksyon at rehabilitasyon.
Ang konstruksyon ay magsisimula sa bayan ng Arayat hanggang sa Bayan ng Apalit.
Kung hindi ito maagapan, maaaring malagay sa panganib ang buhay ng libu-libung Kabalen na naninirahan sa mahigit 80 barangay at 7 bayan.
Ayon sa DPWH Region 3 kasalukuyan nilang ginagawa ang rehabilitasyon sa nasirang bahagi ng dike sa Barangay Cupang at San Luis na nagkakahalaga ng mahigit 90 milyong piso.
Humihingi naman ng ayuda ang lokal na pamahalaan ng Pampanga sa gobyerno upang maipasa ang kabuoang budget na kailangan para sa agarang rehabilitasyon ng Arnedo Dike.
(Joshua Antonio / UNTV Correspondent)
Tags: Arnedo Dike, P20-bilyon, Pampanga