Inisa isa na ng Philippine National Police ang bayan at lungsod na kabilang sa election hotspots mula sa anim na lalawigan sa bansa.
Sa Pangasinan may naitalang isang lungsod at 3 bayan na kinabibilangan ng Bayambang, San Carlos, Urbiztondo at Infanta na nasa category 1.
Sa Masbate, anim na munisipalidad o bayan na nasa category 1 ito ay ang Batuan at Cawayan habang nasa category 3 ang Aroroy, Balud, Cataingan at Claveria.
Sa Negros Oriental, isa ang lunsod at isa ang bayan at pasok sa category 1 ang la libertad at category 2 naman guihulngan city.
Ang Samar ay may isang lungsod at apat na bayan na kinabibilangan ng sta. Margarita sa category 1, San Jorge sa category 2 at Calbayog City, Gandara at Matuguinao naman sa category 3.
Ang Maguindanao may 4 munisipalidad na pasok sa category 1 tulad ng Datu Hoffer Ampatuan, 2 naman ang pasok sa category 2 kasama ang Datu Paglas, at 31 ang nasa category 3 tulad ng Datu Unsay, Datu Piang, Matanog, Mangudadatu, Sultan Kudarat at iba pa.
Habang isang lungsod naman at 13 bayan ang nakalista sa Lanao del Sur, kung saan 1 ang nasa sa category 1 na Lumbaca Unayan, category 2 naman ang Marogong at 12 sa category 2 tulad ng Butig, Kapai, Lumbatan, Marawi City at iba pa.
” We are going to provide more focus if the election period starts on Feb 9. “ Pahayag ni PNP Chief PDG Ricardo Marquez
Ang category one ay ang lugar na may intense political rivalry at may naitalang election related incidents sa mga nakalipas na halalan.
Ang category two naman ay ang mga lugar na may threat groups na nag-ooperate.
Habang ang nasa category three naman ay ang lugar kung saan parehong may threat groups at election related incidents.
Sinabi rin ni Chief PNP na nagpo pokus sila sa Region 9, 12 at ARMM kung saan maraming private armed group.
(Lea Ylagan/UNTV News)