PNP, pinaigting ang pagbabantay dahil sa serye ng holdapan sa Kamaynilaan ayon sa Malacañang

by Radyo La Verdad | February 1, 2016 (Monday) | 1505

COLOMA
Sa kabila ng serye ng holdapan sa Kamaynilaan, tiniyak ng Malacañang na kumikilos ang Philippine National Police upang tiyakin ang seguridad ng publiko.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Herminio Coloma Jr., pinaigting ngayon ng otoridad ang kanilang pagbabantay sa mga matataong lugar sa pamamagitan ng mga checkpoint.

Marami na rin aniyang kawani ng pnp ang nakadeploy sa iba’t-ibang lugar.

Gayundin ay tuloy-tuloy ang kampanya ng ahensya laban sa masasamang elemento.

“Tuloy tuloy naman po ang kampanya ng PNP against criminality at pinaigting ang pagbabantay sa pamamagitan ng checkpoints sa mga strategic na lugar at marami ang numero ng mga pulis ngayon sa kalsada para mabilis ang responde.” Ani Coloma.

(Jerico Albano / UNTV Radio Reporter)

Tags: , ,