COMELEC, nagsagawa ng amyenda upang mabigyan ng gunban exemption ang mga kumakadidatong mambabatas

by Radyo La Verdad | February 1, 2016 (Monday) | 1405

IMAGE__101512__UNTV-News__COMELEC-logo2
Sa pamamagitan resolution number 10047 inamyendahan ng COMELEC ang resolution number 10015 upang mabigyan ng gunban exemption ang mga miyembro ng kongreso na kumakandidato sa eleksiyon sa mayo.

Ang amyenda ay bunsod ng isinumiteng memorandum ng COMELEC Law Department sa Committee on the Ban on Firearms and Security Personnel na nagsasabing nananatiling mambabatas pa rin ang mga senador at kongresista kahit nagsumite na ng Certificate of Candidacy hindi gaya ng mga appointed officials kaya maari pa rin silang payagang magdala ng baril.

Batay sa naunang resolusyon ng COMELEC, bukod sa mga law enforcement agent, ang mga elected officials na pinapahintulutang magdala ng baril ay ang pangulo, pangalawang pangulo at mga miyembro ng Kongreso na hindi kandidato.

Bukod dito kasama na rin sa mga maaring bigyan ng exemption ang mga maituturing na high risk na mga tao.

Kailangan lamang patunayan na nasa panganib ang kanilang buhay sa pamamagitan ng pagsusumite ng threat assessment, police report at ibang katibayan na e- evaluate naman ng COMELEC.

Maaari na ring pahintulutan ng poll body na mabigyan ng security detail mula sa Philippine National Police ang mga high risk individual, lalo kung walang security agency at itinuturing na area of concern ang kaniyang lugar.

Samantala noong nakaraang linggo hiniling naman ng mga city mayors sa COMELEC na bigyan din sila ng exemption sa gunban at payagan na magkaroon ng security detail dahil sa banta sa kanilang mga buhay.

Nakatakda pang pag usapan ng COMELEC En banc kung pagbibigyan ang kanilang kahilingan.

Samantala, pinatututukan naman ng COMELEC sa PNP ang pagkumpiska sa mga nakakalat pa ring loosefirearm.

(Victor Cosare / UNTV Correspondent)

Tags: ,