1,600 na mga Pulis nagbabantay sa iba’t ibang checkpoints sa Metro Manila sa unang araw ng pagpapatupad ng Community Quarantine

by Erika Endraca | March 16, 2020 (Monday) | 21672

METRO MANILA – Isa isang tinitignan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang mga sasakyang dumadaan sa checkpoint kung sumusunod ang mga ito sa panuntunan.

Base sa inilabas na guidelines hindi papayagan dumaan sa checkpoint ng PNP ang sobra ang sakay, pababain ang mga sobrang pasahero.
Pababain ang lahat ng pasahero ng bus at jeep upang isailalim sa thermal scanning.

Lahat ng empleyado at self employed na papasok at lalabas Metro Manila ay kailangang magpakita ng certificate employment at office id.

“Hindi na namin hihigpitan ng kung anu-ano pa pati kung ano pa hingin, sisimplihan lang namin ngayon basta mayroon kang certificate of id or mayroon kang office id or other id mo. Papasukin including self employed na tao” ani NCRPO Director, PMGen. Debold Sinas.

Ayon sa NCRPO mayroon lang silang 25 thermal scanners na gagamitin nila sa 56 checkpoints.

Kung hindi makabili, gagamitin na lang namin ang thermal scanners na nasa mga police stations.

Plano din aniya ng NCRPO na pagsuotin ng body camera ang mga pulis na nagsasagawa ng thermal scanning.

“Yung bawat manita namin ay maglagay kami ng body cam, for example ikaw yung mag ganun so may body cam kami ibibigay para kung ma#@₱@#&? Man at least mapickup dun sa body cam” ani NCRPO Director, PMGen. Debold Sinas

(Lea Ylagan | UNTV News)

Tags: ,