METRO MANILA – Umabot na sa 16 ang nasawi mula sa Regions 6 at 8 dahil sa Bagyong Ursula. Habang 6 naman ang hanggang ngayon ay nawawala pa base sa pinakahuling tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Mahigit 12,000 pamilya naman ang naapektuhan ng bagyo. Mahigit 10,000 sa kanila ang pansamantalang nanunuluyan ngayon sa mga evacuation center.
Mahigit 100 mga bayan naman ang nawalan ng suplay ng kuryente. Kahapon (Dec. 26) isinailalim na sa state of calamity ang Leyte at Capiz dahil sa tindi ng pinasang iniwan ng Bagyong Ursula sa mga nasabing probinsya.
(Vincent Arboleda | UNTV News)
Tags: NDRRMC