Sen.Bong Revilla, hinihiling sa Sandiganbayan na i-subpoena ang ilang gov’t. agencies bilang paghahanda sa paglilitis sa kanyang kasong plunder

by Radyo La Verdad | February 1, 2016 (Monday) | 1434

bong-revilla
Sa Huwebes na isasagawa sa Sandiganbayan ang pre-trial sa kasong plunder ni Sen.Bong Revilla kaugnay ng PDAF Scam.

Dito ilalatag ng kampo ng prosekusyon at ng abogado ng senador ang mga gagamiting ebidensya upang patunayan ang alegasyong nagkamal ito ng 283 million pesos mula sa kanyang Priority Development Assistance Fund o PDAF.

Kaya naman, bilang paghahanda sa paglilitis, humihiling ang senador sa Sandiganbayan na magisyu ito ng subpoena, o ipatawag ng Korte ang ilang kinatawan ng mga ahensya at magsumite ng mga dokumento kinakailangan niya upang depensahan ang sarili sa kaso.

Sa mosyon ng senador, nais nito na makakakuha ng kopya ng case records ng forfeiture case ni Janet Napoles sa Manila Regional Trial Court kung saan nakasaad aniya ang mga iligal na yaman ni PDAF witness Benhur Luy.

Si Luy ang isa sa mga emplayado ni Napoles na may partisipasyon sa scam, na makalaunan ay ginawang state witness upang tumestigo laban sa mga akusado sa scam.

Humihiling din ang senador ng stenographic notes ng hearing sa Senado sa panahong ipintawag nito sa Luy upang ihayag ang kanyang nalalaman sa scam.

Dito aniya inamin ni Luy na pineke lang niya ang ilang pirma sa mga dokumentong mag kaugnayan sa mga transaction sa scam.

Maliban dito, humihingi rin ng kopya si Revilla ng kopya ng Commission on Audit report sa ilang implementing agencies na umanoy sangkot din sa kasong plunder.

Kabilang dito ang Technology Resource Center o TRC, National Livelihood Development Corporation o NLDC at National Agribusiness Corp o NABCOR.

Nais din ng senador na mabigyan siya ng mga dokumento mula sa bureau of immigration na nagpapakitang wala si luy sa bansa mula aug hanggang dec 2008 sa panahong nagaabot aniya ito ng kumisyon kay revilla.

Kasalukuyang nakatidine si Sen.Revilla sa PNP Custodial Center matapos hindi pagbigyan ng Korte na makapagpiyansa ito sa kasong plunder.

Paliwanag ng Korte, malakas ang iprisinitang ebidensya ng prosekusyon sa kanyang bail hearing.

(Joyce Balancio / UNTV Correspondent)

Tags: , ,