Nagsasagawa ng tigthening of troops ang Task Force Zamboanga ng AFP at PNP upang matiyak na nakahanda ang syudad sa anumang sakuna o pag-atake ng masasamang loob.
Kabilang din ito ng ipinapatupad na PUMA o Police-Marines-Army Concept o ang isinasagawa na joint effort ng tatlong grupo sa pagpatupad ng mas pinaigting na seguridad.
Nagkaroon din ng re-shuffling o pagpapalit-palit ng mga commander ng AFP at PNP sa lugar na posibleng samantalahin ng mga masasamang loob.
Nitong mga nagdaang araw ay nagkaroon ng deployment ng armored personnel carriers sa strategic locations sa syudad para sa mas mabilis na pag responde sa iba’t ibang insidente.
Nagsagawa din na firing and bomb detonation exercise ang AFP.
Nakiusap naman ang pamahalaang lokal sa publiko kaugnay sa mga kumakalat na text messages na may lamang pananakot at banta na isumbong o iberipika muna sa mga kinauukulan at huwag itong basta-basta ipasa sa mga kakilala.
Kabilang na dito ang nakaamba umanong muling pagmamartsa ng mga MNLF sa siyudad.
Una nang nagsagawa ng tatlong araw target hardening summit sa lungsod hinggil sa banta ng pambobomba partikular sa sektor ng transportasyon.
(Dante Amento / UNTV Correspondent)
Tags: AFP, PNP, Task Force Zamboanga