Panagbenga Festival 2016, pormal nang binuksan ngayong araw

by Radyo La Verdad | February 1, 2016 (Monday) | 2785

GRACE_PANAGBENGA
Labing isang entry ang nakilahok sa isinagawang drum and lyre competition elementary and high school division bilang pagbubukas ng Panagbenga 2016 o flower festival.

Pinangunahan ng Philippine Military Academy ang parada na sinundan ng Baguio government officials sa pangunguna ni City Mayor Mauricio Domogan.

Sumunod ang liga ng mga barangay, local government units at private organizatons.

Tinatayang aabot sa isang milyon ang dumayong turista sa grand opening ng Panagbenga Festival.

300 daang pulis ang inilagay na na magbabantay sa naturang event kabilang na ang 3 company mula sa regional head quarters para tumulong sa seguridad ng mga mamamayan na manonood sa naturang okasyon.

Upang mapanatili ang masaya, mapayapa Panagbenga Festival.

Nag-umpisa ang parada sa Panagbenga park, dumaan sa Upper Session Road, Luneta Hill, Engineers Hill, at Harrison Road patungong Athletic Bowl.

Samantala sa burnham lake naman isinagawa ang ribbon cutting ng Panagbenga Festival.

Highlight ng Panagbenga Festival ay sa February 27-28 kung saan dito gaganapin ang grand street dance at ang naggagandahan at naglalakihang float parade.

Tema ng Panagbenga 2016 ay “Bless the children with flowers.”

(Grace Doctolero / UNTV Correspondent)

Tags: , ,