DOLE, tuloy pa rin ang pagpapadala ng mga OFW sa 23 bansang apektado ng Zika virus

by Radyo La Verdad | February 1, 2016 (Monday) | 1888

DOLE
Tuloy-tuloy pa rin ang pagpapadala ng Department of Labor and Employment ng Overseas Filipino Workers sa mga bansa sa Latin Amerika na apektado ng Zika virus.

Ayon kay DOLE Secretary Rosalinda Baldoz, naghihintay pa sila ng abiso mula sa iba’t ibang concerned agencies tulad ng DOH, DFA at Philippine Overseas Employment Agency o POEA.

Kabilang sa mga bansang apektado ng Zika virus ay ang Brazil, Bolovia, Colombia at Mexico.

Makakapaglabas lamang ng deployment ban ang POEA kung itaaas na sa crisis alert level two o ang restriction phase ng DFA ang isang partikular na bansa.

Bagama’t walang local travel and deployment restriction sa mga lugar na may mataas na kaso ng Zika virus, pinapayuhan naman ng DOH ang mga buntis na huwag munang magpunta sa nasabing mga lugar.

Tags: , ,