Mula sa dating walo, pito na lamang ngayon ang natitirang kandidato sa pagkapangulo na nakapaloob sa initial list of candidates ng COMELEC.
Ito ay matapos tuluyan nang kinansela ng COMELEC En banc ang Certificate of Candidacy ni Dante Valencia na tumatakbong independiente.
Kinatigan ng En banc ang desisyon ng COMELEC 1st Division na kanselahin ang CoC ni Valencia dahil wala itong bona fide intention na tumakbo batay sa kawalan niya ng pinasyal na kakayahan upang magsagawa ng nationwide campaign at sa kabiguan nitong sagutin sa tamang panahon ang inihaing reklamo laban sa kaniya.
Ang pitong natitirang kandidato sa pagkapangulo ay si Vice President Jejomar Binay, Liberal Party Standard Bearer Mar Roxas, Grace Poe, Davao City Mayor Rodrigo Duterte, Senator Mirriam Defensor Santiago, OFW Family Partylist Representative Roy Señeres at isang Romel Mendoza na pambato ng pwersa ng Masang Pilipino o PMP.
Sa February 3 maglalabas ng final list of candidates ang COMELEC at sisimulan ang pag imprenta sa mga balota sa February 8.
(Victor Cosare / UNTV Correspondent)
Tags: 7, Kandidato, pagkapangulo