Lalaking hinihinalang carnapper, pinagtulungang bugbugin ng mga residente sa Quezon City

by Radyo La Verdad | January 29, 2016 (Friday) | 3794

REYNANTE_HULI
Hindi na nakapanlaban ang isang lalaking hinihinalang carnapper matapos itong bugbugin ng mga lalaki sa Anonas Road, Aurora Boulevard Sa Quezon City na naaktuhan na ninanakaw ang isang motorsiklo.

Kitang kita sa kuha ng cctv pasado alas singko ng umaga kahapon, habang naglalakad ang suspek sa lugar ay pasimple nitong kinuha ang isang motorsiklo na nakaparada sa labas ng isang bilyaran.

Bago ang pangyayari naglalakad pa ang suspek sa lugar at pinuntuhan nito ang motor na tila siya ang may-ari habang kinakalikot nito.

Tumayo pa ito na nagmamanman sa loob ng bilyaran na naghahanap ng tiyempo na makuha ang motor.

Ilang sandali pa umalis ito at makalipas nang sampung minuto ay bumalik at saka kinuha ang motor.

Sinubukan pa nitong paandarin ngunit hindi umandar kaya naglakad na lang ito hila ang motor.

Ilang sandali pa lumabas naman ang lalaki galing sa loob ng bilyaran na napansin na nawala na ang motor nito at nagsumbong agad sa mga kaibigan nito.

Makalipas ang dalawang minuto bumalik ang suspek na dala-dala ang motor sa bilyaran at dito na siya nakita ng mga lalaki at kinuyog.

Dumating naman ang pulis sa lugar at inaresto ang bugbog saradong suspek na si Alex Lucita, 30 anyos taga Barangay Quirino Sa Quezon City.

Itinatanggi naman ng suspek ang paratang at sinabing pauwi na sana nang mangyari ang insidente.

Sa ngayon nakakulong ay na ang suspect sa QCPD Station 9.

(Reynante Ponte / UNTV Radio Reporter)

Tags: , , ,