Madalas na na-a-isolate ang isla ng Catanduanes tuwing mananalasa ang mga kalamidad sa Region 5.
Mahirap maitawid ang mga tulong at iba pang mga pangunahing pangangailangan sa lugar lalo na kapag malalaki ang mga alon.
Dahil dito, pinag-aaralan na ang pagtatayo ng 10.8 kilometer Catanduanes-Camarines Sur Friendship Bridge na magdudugtong sa dalawang probinsya upang mapadali ang transportasyon.
Naglaan na ng limampung milyong pisong pondo ang Tourism Infrastructure and Enterprises Zone Authority o TIEZA sa isasagawang feasibility study para sa itatayong tulay.
Ayon kay Governor Cely Wong kung sakaling matutuloy ang pagtatayo ng tulay sa kanilang lugar, malaking ang maitutulong nito upang mapalago ang turismo at ekonomiya sa kanilang lalawigan.
Tinatayang aabutin ng 30 taon bago maitatayo ang Catanduanes-Camarines Sur Friendship Bridge na magiging pinakamahabang tulay sa buong bansa.
(Allan Manansala / UNTV Correspondent)
Tags: 10.8 km, 50M, Catanduanes-Camarines Sur Friendship Bridge