Lokal na pamahalaan ng Masbate, maglalagay ng water testing laboratory sa lungsod

by Radyo La Verdad | January 29, 2016 (Friday) | 2690

GERRY_WATER
Kung walang magiging problema sa pondo at iba pang usapin sa Marso ay posibleng masimulan na ang pagtatayo ng water testing laboratory sa syudad ng Masbate.

Ito ay dahil sa problema ng lungsod sa pagpapasuri ng mga tubig kung ito ba ay potable o pwedeng inumin ng mga residente.

Kailangan pang dalhin pa sa Legazpi City sa albay ang mga water sample upang ipasuri ang mga tubig mula sa mga refilling station, water source at commercial water na pinagkukuhaan ng tubig na inumin ng mga residente.

Pagkatapos nito ay isang linggo pa ang hihintayin bago makuha ang resulta sa pagsusuri ng mga tubig.

Bagama’t may water laboratory sa provincial hospital, hindi ito regular na nag-ooperate.

Mahalaga ang water testing laboratory sa lalawigan ng Masbate dahil laganap sa lalawigan ang ameobiasis at iba pang mga sakit na nakukuha sa hindi malinis na inumin.

Ayon sa kay Loida Pusing, Sanitary Inspector ng Masbate City obligado ang bawat establismiyento na sumunod sa standard sanitation code na ipinatutupad ng lungsod.

Apatnapung water refilling station ang minomonitor ng sanitary office na isinasailalim sa water testing buwan-buwan.

Madalang naman ang nagpopositibo sa pagsusuri.

Ang mga open water source gaya ng balon ay isinasailalim sa hypochlorination pero hindi advisable na pagkunan ng maiinom na tubig.

Pinapayuhan ng sanitary office ang mga residente na huwag ng kumuha ng inuming tubig sa mga balon dahil kontaminado ang mga tubig at posibleng panggalingan ng sakit.

Posibleng sa buwan ng marso ay makapagumpisa ng water testing facility ng sanitary office sa syudad ng Masbate.

(Gerry Galicia / UNTV Correspondent)

Tags: , ,