Lumago sa 6.3 percenta ng ekonomiya ng pilipinas sa huling quarter ng 2015, pinakamataas na quarterly growth sa lumipas na taon.
Ngunit sa kabuoan ay nakakuha lamang ng 5.8 percent gross domestic product o GDP growth sa 2015
Mas mababa ito kung ikukumpara sa 6.1 percent noong 2014.
Hindi rin nakuha ang target ng bansa na 7 to 8 pecentnapaglagonitong 2015.
Sinabi ni NEDA Sec. Arsenio Balisacan positibo pa rin ang naitalang paglago sa kabila na pababa ang trend ng economic growth sa nakalipas na dalawang taon.
Sa supply side, services sector pa rin ang may pinakamalaking kontribusyon sa ekonomiya na umaabot ng 3.8 percent. Mas lumago rin ang sekto na ito noong 2015 na umabot sa 6.7 percent mula 5.9 percent noong 2014.
Industry sector naman ang pangalawa sa may pinakamalaking kontribusyon na umabot sa 2.0 percent. Naging rin mabagal ang paglago nito umabot lang sa 6 percent mula sa 7.9 percent.
Kapansin pansin naman mas bumaba ang kontribusyon ng agriculture sector na umabot lang sa zero point three percent.
Mas bumaba ang paglago sa sektor na ito para sa 2015.
Paliwanag ng neda ito ay dulot ng el nino at iba pang natural disasters na tumama sa bansa tulad ng bagyo.
Naniniwala rin ang NEDA na napapanahon ng baguhin ang stratehiya sa pag resolba ng mga problema sa agrikultura upang lumago ang sector naito at maiangat ang buhay ng mga magsasaka.
Sa demand side naman, household consumption parin ang may pinakamalaking kontribusyon sa ekonomiya.
Ipinagmalaki rin ng NEDA ang pagtaas sa investments ng bansa nitong 2015 na umabot ng 13.6 percent mula sa 5.4 percent noong 2014.
Dagdag pa ng NEDA sa ngayon ay pinagaaralan pa kung gagawin seven percent ang target gdp sa taong ito na posible naman anyang maabot ng bansa dahil sa inaasahang mas maraming economic activities tulad ng election spending.
Binigyang diin ng NEDA na nanatili ang long to medium term o pang matagalan na target na 7 to eight percent economic growth para sa bansa.
Paliwanag ng ahensya, kailangan lang ipagpatuloy o mas paigtingin pa ang mga repormang ipinatutupad na ng kasalukuyang administrasyon para sa mga hadlang para sa patuloy na paglago ng ekonomiya.
Ilan nga dito ay pagtatayo ng mga imprastruktura, at pagmumuhunan para sa pagdedevelop ng kakahayahan ng bawat pilipino.
(Darlene Basingan/UNTV News)