Sen. Poe nanindigang hindi na babaguhin ang committee report sa Mamasapano incident

by Radyo La Verdad | January 28, 2016 (Thursday) | 2071

GRACE-POE
Hindi kuntento si Senate Majority Leader Alan Peter Cayetano sa Mamasapano Committee Report na inilabas ni Senador Grace Poe noong nakalipas na taon.

Sa naturang committee report sinabing responsable ang presidente sa misyon sa Mamasapano at malinaw na hindi misencounter ang nangyari kundi massacre.

Ngunit ayon kay Cayetano magiging buo ang ulat ng Senado sa insidente kung may lilitaw na whistleblower dito.

Hindi rin nasagot sa mga pagdinig na nagawa kung bakit ang Special Action Force ang inatasan na umaresto kay Marwan at hindi ang militar o AFP.

Hindi rin nabuksan kung ano ang papel ng MILF bago at matapos mapuntahan si Marwan.

Para kay Cayetano replay o walang bagong impormasyon sa reinvestigation kahapon.

Ayon naman kay Senador Grace Poe na chaiperson ng Committee in Agriculture and Food, tinatayuan nila ang unang committee report at napagtibay na ito.

Anya ang mga napagusapan sa reinvestigation ay naungkat na rin sa nakalipas na hearing.

Wala ring basehan upang palitan ang committee report dahil nalinawan na ang mga isyung dapat masagot.

(Bryan De Paz / UNTV Correspondent)

Tags: , ,