Ombudsman, nanindigang walang undue delay sa pagsasampa ng kaso laban kay Sen.Lito Lapid

by Radyo La Verdad | January 28, 2016 (Thursday) | 1528

OMBUDSMAN
Nandigan ang Office of the Ombudsman na walang undue delay sa pagsasampa ng kasong laban kay Sen.Manuel “Lito” Lapid noong 2015.

Kaugay ito ng 728 million pesos na Fertilizer Fund Scam na kinasangkutan ni Lapid taong 2004 noong governor pa siya ng Pampanga.

Sinabi kasi ni Lapid na nalabag ang kanyang karapatan sa mabilis na pagtatapos ng kaso o speedy disposition of the case dahil aniya inabot ng halos walong taon ang imbestigasyon ng Ombudsman.

Sa naging comment ng prosekusyon sa motion to dismiss case na inihain ni lito lapid, sinabi nitong hindi nila tinutulugan ang kaso dahil 2011 lang naman ng masimulan ang preliminary investigation.

Marami rin aniya ang mga dokumento sinuri sa imbestigasyon at 2012 lang nagpasa ng counter affidavit ang ilang respondent sa kaso.

Dahil dito, hinihiling ng ombudsman na ideny ng korte ang mosyon ni lapid dahil sa kawalan ng basehan o lack of merit.

Tags: , , ,