Senado at Kongreso, hindi pa nagkasundo sa ipapasang bersyon ng Salary Standardization Law IV

by Radyo La Verdad | January 28, 2016 (Thursday) | 5448

NEPTALI
Nagkaroon ng deadlock ang Senado at Kongreso kung anong bersiyon ng Salary Standardization Law 4 ang ipapasa at isusumite kay Pangulong Benigno Aquino the third upang malagdaan at ganap na maging isang batas.

Layon ng panukalang batas na taasan ang kompensasyon ng mga empleyado ng pamahalaan na magsisimula ngayong taong 2016 hanggang 2019.

Kabilang sa mga tataasan ng sahod ay ang mga opisyal ng gobyerno, mga civilian personnel at uniformed personnel tulad ng military at pulis.

Sa Bicameral Conference Committee ngayon myerkules, hindi nagkasundo ang Senado at House of Representatives sa probisyon na indexation ng pension ng mga retired military at PNP personnel.

Sa bersyon ng Senado, may probisyon na naglalayong taasan ang pensyon ng mga retiridong militar at pulis kasabay ng pagtaas ng sahod ng mga aktibo pang military at PNP personnel.

Sa aprubadong three trillion peso national budget para sa taong ito, 57 point nine billion pesos ang nakalaan para sa SSL-four, ngunit hindi kabilang dito ang para sa mga pensyon ng mga retired military at PNP personnel.

Nais ng Senado na maipatupad ang naturang probisyon para sa mga retired military at PNP personnel kapag may available budget na para dito na nagkakahalaga ng mahigit 19 billion pesos

Ngunit hindi pabor ang lower house.

Ito ay dahil walang nakalaang pondo, gusto ng house na ‘suspended’ muna ang naturang probisyon ng SSL 4.

Sa huli, nagkasundo ang mga mambabatas na isuspinde muna ang bicameral conference ng naturang panukala

Samantala, nagsagawa naman ng noise barrage ang mga empleyado ng DOST bilang protesta sa isang probisyon ng SSL4 na pinangagambahang mag-aalis sa kanilang magna carta benefits.

Sa isang statement, sinabi ni Senator Ralph Recto na hindi maapektuhan ng naturang deadlock ang magna carta benefits ng mga science and technology workers.

Sinuguro rin nito na may probinsyon sa batas na magsisiguro na hindi magagalaw ang mga nakasaad na benipisyo sa mga existing na batas ukol sa magna carta benefits gaya ng hazard pay, longetivy pay, royalties sa mga imbensyon, ng mga science and technology workers.

(Darlene Basingan/UNTV News)

Tags: