Pasado alas otso gabi ng Martes nang matapos ng SLI Global Solutions Incorporated, Smartmatic, Technical Evaluation Committee at COMELEC ang final trusted build program o pinal na source code para sa Election Management System o EMS ng 2016 elections.
Dahil sarado na ang Bangko Sentral ng Pilipinas nitong martes ng gabi kaya hindi na nadala ng COMELEC sa BSP ang source code kaya inilagay nalamang ito sa selyadong envelope at ipinasok sa isang ballot box.
Inilagay naman ang ballot box sa nakakandado at mahigpit na binabantayang saradong kwarto sa buong magdamag.
Ngayon myerkules personal na nagtungo ng BSP si COMELEC Chairman Andres Bautista at Commissioner Christian Robert Lim upang ideposito ang source code ng EMS bilang pagsunod sa itinatakada ng batas.
Ayon kay Commissioner Lim mahalagang mailagak sa isang secured facility ang source code dahil delikado kung mapupunta ito sa ibang tao.
Limitado lang ang may access sa vault na pinaglalagyan ng source code.
Ilalabas lang ang source code kung sakaling may lilitaw na problema na kailangang magkaroon ng paghahambing kung tamang program ang ginamit sa halalan.
Bukod sa EMS source code, sa February 9 idedeposito din ng COMELEC sa BSP ang source code ng Canvassing and Consolidation System o CCS at ang source code ng mga Vote Counting Machines o VCM.
Kasama sa vault na pinaglalagyan ng 2016 source codes ay ang mga source code ng mga makinang ginamit noong 2010 at 2013 elections
(Victor Cosare/UNTV News
Tags: COMELEC, Trusted build code