Kakaunti na ang araw at oras na natitira sa dalawang kapulungan ng kongreso upang maipasa ang Basic Law for the Bangsamoro Autonomous Region o BLBAR na mas kilala bilang BBL.
Ito ang binigyang diin ni Zamboanga Rep. Celso Lobregat sa programang Get it Straight with Daniel Razon ngayon myerkules.
Ayon kay Lobregat mahabang proseso pa ang dadaaanan ng BBL bago ito ganap na maging isang batas.
Lalo na’t magkaibang-magkaiba ang berson ng senado at kamara.
Sinabi rin ni Lobregat na isa sa nagpabagal sa pagpasa ng BBL ay nang masawi ang 44 na miyembro ng PNP a sa engwentrong nangyari sa Mamasapano Maguindanao.
Dito aniya nabasag ang tiwala noong ng publiko sa kapayapaang dala ng BBL.
40 probisyon na ang inalis ng kamara mula sa orihinal na bersyon ng BLBAR/BBL.
Kabilang na rito ang otp-in, pagtatatag ng bangsamoro police, pagbuo ng COA, COMELEC, Civil Service Commission at Ombudsman sa bubuohing Bangsamoro Autonomous Region.
Subalit marami pa rin ang nakikita ng kongresista na hindi umano naaayon sa konstitusyon.
Ang liderto naman ng lower house, kumpiyansang magagawa nilang ipasa ang BBL sa kabila ng kaliwa’t kanang batikos dito.
(Grace Casin/UNTV News)