2 pulis na nasugatan sa engkwentro noong nakaraang linggo sa Zamboanga del Norte, pinarangalan

by Radyo La Verdad | January 27, 2016 (Wednesday) | 5085

DANTE_AWARD
Ginawaran ng pagkilala ng Police Regional Office Nine ang dalawa nitong tauhan na nasugatan sa nangyaring engkwentro noong nakaraang linggo, sa Sibuco, Zamboanga del Norte.

Tinanggap nina SP02 Ernesto Ali at P01 Fahad Atani ang wounded personnel medal o medalya ng sugatang magiting sa West Metro Medical Center sa Zamboanga City kung saan sila naka-confine.

Nasugatan sa kaliwang kamay si SP02 Ali habang kunting sugat naman sa ulo ang tinamo ni P01 atani.

Bukod sa medalya ng sugatang magiting ay makakatanggap din sila ng dalawampung libung piso bawa’t isa at sasagutin ng Police Regional Office ang kanilang pagpapaospital.

Alas onse ng umaga noong January 24, ay tinambangan ng mga armadong grupo ang mga pulis habang nagpapatrolya sakay ng Mahindra Patrol Jeep sa Barangay Sto. Niño, Sibuco, Zamboanga del Norte.

Nagkaroon ng palitan ng putok ang dalawang panig ngunit nang tumagal umatras ang mga kalaban.

Ayon sa PCSupt. Delfin, sa ngayon tukoy na nila ang mga suspek ngunit tumanggi pa itong pangalan para sa isasagawang pursuit operation.

Itinanggi naman ang opisyal na may bahid pulitika ang nangyaring insidente.

Nagdagdag na rin ng mga tauhan ng PRO 9 sa lugar upang mapigilan ang posibleng paghahasik muli ng karahasan ng mga lawless element.

(Dante Amento / UNTV Correspondent)

Tags: , , , ,