Itinurn over na kaninang umaga ng Department of Interior and Local Government at ng Bureau of Fire Protection ang 155 na mga bagong fire trucks sa iba’t-ibang munisipalidad sa bansa.
Sa turn over ceremony na isinagawa sa Quecon City Circle, isa-isang ipinamahagi ang susi ng bawat fire truck sa iba’t-ibang branch ng BFP.
240 horse power ang water pump ng bawat bagong fire truck kung kaya’t kayang umabot ng tubig hanggang sa 60 metro.
Ayon kay BFP Sec Ariel Barayuga, malaking tulong ang mga bagong fire truck sa mas mabilis na pag-apula ng sunog dahil problema na nila ang kakulangan sa truck ng bombero.
Sinabi naman ni DILG Sec Mel Senen Sarmiento na ang mga bagong fire truck ay magpapaigting sa kapabilidad ng mga bombero na makasagip ng buhay.
Subalit sa kasalukuyan ay mayroon lamang dalawamput isang libong tauhan ang BFP labimpitong libo dito ang rumeresponde sa sunog, kulang pa ito ng tatlumpong libong bombero para sapatan ang pangangailangan ng bansa.
Hinikayat naman ni Sarmiento ang mga residente sa mga munisipalidad na kusa ng magapply bilang bombero.
Sa ngayon ay mayroong 2, 215 na fire trucks sa bansa at inaasahan na magkakaroon pa ng karagdagang 469 na fire truck ngayong taon.
(Macky Libradilla / UNTV Radio Reporter)