Pagsasagawa ng surveillance ni LT. Col. Marcelino, ipinagtanggol ng Phil. Navy at Phil. Army

by Radyo La Verdad | January 27, 2016 (Wednesday) | 2177

AFP-Commanding-General-LGen.-Eduardo-Año
Naniniwala ang Philippine Army at Philippine Navy na personal crusade ni Lt. Col. Ferdinand Marcelino na labanan ang illegal na droga at mga sindikato.

Kaya kahit wala na ito sa intelligence service ng Armed Forces of the Philippines, patuloy pa ring itong kumakalap ng intelligence report kaugnay ng drug syndicates at iba pang criminal group upang i-report sa ISAFP at Philippine Army.

“Wala namang problema dun, basta wala kang nalalabag na batas kasi lahat naman dapat tumutulong sa pagkuha ng information kahit na sibilyan, private citizens, basta walang nalalabag na batas.” Pahayag ni AFP Commanding General LGen. Eduardo Año

“But still tumutulong pa rin siya, sa pagbibigay ng information towards apprehension and curbing drug addiction and proliferation of illegal drugs so that is within the realm of possibility kahit na sabihing di na yun ang direktang job description niya.”
Pahayag naman ni AFP Spokesperson Col. Edgard Arevalo

Kapwa naniniwala ang dalawa na mananaig ang katotohanan at ang naging reputasyon sa serbisyo ni LT. Col. Marcelino sa mga nakalipas na taon bilang isang kawal ng hukbong sandatahang lakas ng pilipinas laban sa kinakaharap nitong kaso ngayon.

“I can only vouch for his integrity for he worked under me when I was the Chief of ISAFP. Sa pagkakilala ko sa kaniya, siya ay matatag na sundalo at talagang straight at advocacy niya ay anti-drugs.” Pahayag pa ni AFP Commanding General LGen. Eduardo Año

una nang sinabi ng opisyal na wala na silang official relationship kay Marcelino mula nang maging commander siya ng Philippine Army.

Subalit, dahil sa pagkakaroon ng ng extensive network at experience ni Marcelino, nagbibigay pa rin ito ng impormasyon sa iba’t ibang intelligence agencies tulad ng army intelligence at security group.

Ikaapat na araw pa lamang ni Marcelino bilang commandant ng naval officer candidate school sa naval education training command sa San Antonio, Zambales nang ito ay madakip sa drug bust operation ng Philippine Anti-Illegal Drugs sa Sta. Cruz Maynila noong January 21.

Kaga-graduate lang din nito mula sa isang taong command and general staff course.

Subalit bago ito, ayon mismo sa Philippine Army Commander na si LGen. Año, naging field commander ng military intelligence group IV si Marcelino mula 2013 hanggang mid-year ng 2014.

(Rosalie Coz/UNTV News)

Tags: , ,