Imbestigasyon ng Senado sa mga alegasyon ng umano’y katiwalian ni Vice President Jejomar Binay, tinapos na

by Radyo La Verdad | January 26, 2016 (Tuesday) | 1446

SENATE
Naka dalawamput limang hearing ang Senado sa alegasyon ng kurapsyon laban kay Vice President Jejomar Binay na nagsimula noong Agosto 2014.

Sa record ng Senado, may dalawamput dalawang arrest order na naipalabas ang komite sa mga resource person na hindi humarap sa pagdinig.

Walo rito ang lifted at ang labing-apat ay epektibo pa rin sa kabila na tapos na ang hearing.

Kabilang sa mga bigong humarap sa pagdinig si Gerry Limlingan at Eduviges Ebeng Baloloy na sinasabing bagman ni VP Binay

Kanina, dumalo sa pagdinig si Minority Leader Juan Ponce Enrile

Tinanong ni Sen. Enrile ang komite kung natalakay lahat ng ebidensyang nasa senado laban kay VP Binay.

“I cannot say that is 100% sir, but when we wrote the partial report the report cited documents.”
sagot ni Blue Ribbon Sub-committee Chairman Senator Koko Pimentel

Iprinisinta naman kanina ni Atty. Renato Bondal ang pagtaas ng saln ni VP Binay mula mahigit dalawang milyong piso noong 1988

“Yung suma total po ng networth ni Vice President Binay 60.25 million. Pinakikita po dyan na 2,300 percent increase. Wala hong ibang trabaho sa buong pilipinas na nakakapagbigay po ng ganyang klaseng increase pagkatapos lang ng ilang taon po.
” pahayag ni Bondal

Kinuwestyon naman ni Sen. Enrile ang iprinisintang ebidensya nina Atty Bondal at Vice Mayor Ernesto Mercado laban kay Binay.

Hindi na tinapos ni Enrile ang pagdinig.

Anya paghahandaan na nito ang nakatakdang Mamasapano re-investigation bukas.

Wala naman problema kay Senador Antonio Trillanes IV ang mga tanong ni Enrile dahil naniniwala siyang valid naman ito

Ngunit pinabulaanan ito ang ang pahayag ni VP Binay sa tv ads na marami silang ebidensya na nagpapatunay na hindi tutuo ang ibinibintang sa kanya.

Matapos ang pagdinig, tiniyak ng komite na nakatututok pa rin sila kaso na nakasampa sa Ombdusman laban kay Vice President Jejomar Binay at pagsusulong ng mga panukalang batas batay sa rekomendasyon na nakalap sa imbestigasyon.

(Bryan de Paz/UNTV News)

Tags: ,