Niyanig ng magnitude 6.3 na lindol ang katimugan ng Spain kahapon ng umaga.
Ayon sa Spanish National Geographic Institute nasundan pa ng anim na mahihinang aftershock ang lindol na naramdaman sa Malaga, Cordoba, Seville at Granada.
Ayon sa U.S. Geological Survey sa Mediterranean Sea ang epicenter ng lindol ay nasa 77 kilometers ang layo sa Northwest ng Melilla, Spain.
Sa twitter ng emergency service sa Andalucia, dalawang daan at limampung tawag ang natanggap nila mula sa mga residente.
Sarado naman ang mga eskwelahan para mainspeksyon ang mga building habang naibalik na ang kuryente sa Melilla.
Walang iniulat na nasawi pero 26 ang iniulat na nasugatan dahil sa lindol.
Tags: Magnitude 6.3, Southern Spain