Nasawi sa matinding snowfall sa Japan, lima na

by Radyo La Verdad | January 26, 2016 (Tuesday) | 1879
Japan(REUTERS)
Japan(REUTERS)

Mahigit isandaang ang nasugatan sa iba’t ibang lugar sa Silangang Asya dahil sa matinding snow.

Daan daang flights at train services na rin ang nakansela.

Ayon sa Meteorological agency, pinakamababang temperaturang naitala ay negative 9.4 degrees celsius sa Kyami, Hyogo Prefecture.

Samantala, ang isla naman ng Amami Oshima sa pagitan ng Kyushu at Okinawa ay nakaranas ng snowfall sa unang pagkakataon sa loob ng 115 years.

Sa kasalukuyan, umabot na sa 95 ang nasawi dahil sa hypothermia at atake sa puso dulot ng matinding lamig sa Silangang Asya.

Lima sa Japan at 90 sa bansang taiwan kung saan naitala ang 4 degrees celsius na pinakamababa sa loob ng 44 na taon.

Tags: , , ,