PNR handang magbigay ng financial assistance sa pamilya ng babaeng nasagasaan ng tren sa Legazpi City

by Radyo La Verdad | January 26, 2016 (Tuesday) | 3091
(photo credit: Bernie Orobia)
(photo credit: Bernie Orobia)

Inihahanda na ng pamilya ni Vergie Z. Luna ang mga dokumentong kinakailangan isumite sa Philippine National Railways para makuha ang financial assistance ng PNR.

Si Vergie ay nasagasaan ng tren ng PNR noong nakaraang Biyernes sa Brgy. 37 Bitano, Legazpi City.

Ayon sa inisyal na impormasyon ng mga otoridad, tumatawid ng riles ang biktima.

Nakasuot ito ng earphone at may pinakikinggan kaya hindi nito namalayan na may paparating na tren kaya’t nasagasaan ito at tumilapon ng limang metro ang layo na agad nitong ikinasawi.

Ayon kay Engr. Jose M. Florece ang Division Manager ng PNR nakahanda silang magbigay ng sampung libong piso sa pamilya ni luna bilang financial assistance.

Kailangan lamang umanong gawin ay maisumite ang mga dokumento gaya ng death certificate ng biktima para agad na maproseso ang ayudang kanilang ibibigay.

Nagpaalala naman ang ilang pinuno ng PNR na mag ingat sa tuwing tatawid saan mang kalsada maging sa mga riles ng tren upang maiwasan ang aksidente.

(Allan Manansala / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,